Dula Tula: Asan ka Kabataan?
Sabi ni Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan"
Ako ay kabilang sa makabagong kabataan,
Nakikita mo ba kung nasaan ang pag-asa?
Tumingin ka sa paligid mo.
Pasukin mo ang mga bar at komputer shop
Sa palagay ko makakahanap ka ng pag-asa doon?
Tutal wala namang interesado tumambay sa library diba?
Bakit kailangang sabihin pa na 'ako ang bukas'?
Bakit? Hindi ba puwede ngayon?
Hindi ba ako puwede makapag hubog ng isipan ngayon?
Hindi ko ba kaya gawin 'yon ngayon?
Nasaan na ang pag-asa?
Nasaan ka na kabataan?
Meron pa bang natitirang pag mamahal sa sarili mong bayan?
O sakop na ng kolonyal ang buo mong isipan?
Ikaw na ba ang pag-asa?
Ahhh... talaga?
Bakit di ko makita?
Bakit di ko maramdaman?
Comments
Post a Comment